Martes, Enero 22, 2013

Nazty Dynazty ni Migz Zubiri



Kilala si Migz Zubiri bilang isa sa mga “Spice Boys”, ang mga Congressman na mula sa iba’t ibang dynastic family sa bansa na nakatuwang ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo sa pagpapatalsik kay Pang. Erap Estrada.

Pero ang hindi alam ng nakararami ay wala naman pinagkaiba si Migz sa karamihan ng mga pulitiko sa bansa dahil siya ay nagmula sa Zubiri Dynasty ng Bukidnon.

Kahit na ano pa ang sabihin ng mga politikong ito, isa lang ang hangarin nila at ito ay manatili sa kapangyarihan upang manatiling hawak ang impluwensiya at maitaguyod ang sariling interes at interes ng kanilang mga pamilya.